top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bugle’s notes, wagi sa 4th Henry Cup

Ding Taboy
Feb 3, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Nanalo sa katatapos na 4th Henry Cojuangco Cup ng Bugle’s Notes laban sa pitong kalahok sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite kahapon.

Nag-uwi ng unang premyo na P900,000 ang Bugle’s Notes habang nagkamit ng P400,000 ang pumangalawang dehadong Gomper Girl. Itinanghal naman ang pangatlong Lucky Visit na tumanggap ng P200,000 at napunta sa 4th place ang Dragon Butterfly na may P100,000.

Ang Bugle’s Notes ay nagdala ng benta ng mahigit na P300,000 ay naorasan ng 1:49.2 sa 1,750 meters. Sa pagbukas ng aparato naging kapana-panabik ang umpisa ng karera na agad na kinuha ng Lovely Flash habang nakasunod ang liyamadong Bugle Notes.

Pagsapit sa huling likuan kinuha ng Bugles Notes ang unahan hanggang sa lumayo ng pitong kabayo. Bago ang Cojuangco Cup, nagwagi sa Race 1 ang Chance The Racer habang pumangalawa ang Lemonada sa katatapos na Philracom rating based Handicap System.

Nanguna sa Race 2 ang dehadong si Señorito Gelo makaraang talunin ang outstanding favorite na couple entry na Ifyourhonorplease at You Never

Know sa Pintig Puso Pilipinas Charity Race.

Sa Race 3, nanalo ang liyamadong Cannon Ball at pumangalawa ang Gossips at pumangatlo ang Konzeelanz sa Pintig Puso Pilipinas Charity Race. Nagwagi ang Here I Am at sumegundo ang Rio de Janeiro sa tagpo ng Pintig Puso Charity Race.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page