4 yrs. old patay sa gulpi ni nanay

Patay ang apat na taong gulang na bata matapos umanong bugbugin ng kanyang ina sa Norzagaray, Bulacan.
Batay sa ulat, sinabing namatay ang batang si ‘Argine’ nang bugbugin umano ng kanyang lasing na ina na si Claudine Valdez noong Enero 26.
Nagawa pang isugod sa ospital ang bata na wala nang malay subalit, binawian din ng buhay habang ginagamot.
Sa panayam kay Zenaida Relente ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ng Bgy. Minuyan, nainis umano ang ginang dahil dumumi ang anak.
Nauna rito, may nagsumbong na rin umano sa kanila na ikinukulong ng ina ang maliliit niyang anak sa kanilang bahay, pero nangako ang suspek na hindi na ito uulitin.
Nakatanggap din ng ulat ang barangay na pinagtutulungang bugbugin ng ginang at ng kanyang live-in partner ang mga bata sa tuwing malalasing sila.





Comments