top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Service crew, 3 pa timbog sa P1 milyong shabu

Maeng Santos
Feb 2, 2020
1 min read

Apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang 19-anyos na service crew ang arestado nang makumpiskahan ng higit sa P1 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ni PMSG Harold Polistico, alas-4:50 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, sa Bgy. 35 na nagresulta sa pagkakaaresto kina Marco Payumo alyas Jon-jon, 28; Carlo Ortega, 39, at Angel Tanseco, 19.

Kaugnay nito, nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000 ang halaga, P1,000 marked money, kabilang ang 11 pirasong 1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, P1,000 cash, cellphone at ilang drug paraphernalias.

Nuna rito, ala-1:30 ng madaling-araw nang madamba rin ng mga operatiba ng DDEU si John Patrick Almario, ng Tondo, Manila matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa Bgy. 8, Zone 1, Caloocan City.

Ani PCpl. Jezell delos Santos, narekober sa suspek ang nasa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 ang halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page