Senate Secretary, kinasuhan sa pamemeke ng public documents

Sinampahan ng kasong kriminal ng Concerned Employees of the Senate sa Office of the Ombudsman si Senate Secretary Myra Marie Villarica kaugnay sa umano’y pamemeke ng public documents ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Batay sa pitong pahinang reklamo, dapat umanong managot si Atty. Villarica sa kasong Falsification of Public Documents hinggil sa pagbabago umano sa minutes ng journal sa talakayan sa Senado.
Giit ng mga complainant, dapat imbestigahan ang umano’y ginawang pagpeke ng akusado sa naturang public document.
Binago umano ng akusado ang minutes sa journal ng talakayan sa Senado kaugnay ng mga ipinapasang batas. Anila, ang journal ay official written record ng mga nagaganap sa mga deliberasyon sa Senado kaya may katapat na kaparusahan sa sinumang magsagawa ng mga pagbabago rito.





Comments