Mister pumalag sa warrant, patay

Dedo ang isang akusado makaraan umanong manlaban sa mga awtoridad sa Sitio Pulao-Pulao, Bgy. Pangahan, Mabitac, Laguna.
Kinilala ang suspek na si William Garcia, sinasabing high value target sa rehiyon.
Alas-5:20 ng hapon, ihahain ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa suspek kaugnay sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Gayunman, namataan agad sila ni Garcia kaya bumunot umano ito ng baril bago pinaputukan ang mga pulis.
Hanggang sa nagkabarilan at makalipas ang ilang minuto, duguang bumulagta ang suspek. Narekober ang baril, 50 gramo ng hinihilang shabu na nagkakahalaga ng P345,000, mga bala at drug paraphernalia.





Comments