top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Industriya ng paghahabi, muling pagyamanin

Nancy Binay
Feb 2, 2020
2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Nabigyan tayo ng pagkakataon nitong nakalipas na linggo na maging bahagi ng Philippine Silk Summit 2020 ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) at Department of Science and Technology (DOST). Isa ang PTRI sa matagal nang tinutulungang ahensiya ng pamahalaan.

Isa sa mga adbokasiya natin sa Senado ay ang pagsusulong at pagpapaunlad ng ating iba’t ibang katutubong tela. Napakayaman ng ating kultura, lalung-lalo na pagdating sa paghahabi. Sinasalamin ng mga habing ito ang natatanging kultura ng iba’t ibang ethno-linguistic groups sa ating bansa.

Hindi kaila sa atin na unti-unti nang nawawala ang industriya ng paghahabi sa ating bansa dahil na rin sa mass production at importasyon ng tela. Kasama sa adbokasiyang ito ay ang panunumbalik ng industriya ng silk production sa ating bansa.

Nakita natin sa ating pag-iikot sa bansa ang mga pagsisikap ng iba’t ibang government agencies na muling buhayin ang industriya ng seda, lalung-lalo na sa pagbibigay-solusyon sa mga isyu tungkol dito mula sa mababang production at manufacturing capacity hanggang sa climate change.

May mga areas of improvement pa rin na kinakailangan ng mas masusing collaboration ng mga ahensiya ng pamahalaan — mula sa research and development at technology transfer ng PTRI; capability at capacity trainings ng Department of Agriculture (DA) para sa mga nagtatanim ng mulberry at propagasyon ng silkworms; infrastructure at equipment mula sa DA at DPWH at sa branding, product development, marketing at credit support ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kinakailangan natin na lalo pang paigtingin ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya at sangay ng pamahalaan sa bawat yugto ng proseso ng silk production, kasama na rin ang iba pa nating indigenous fabrics. Ang pagpapayabong ng silk industry ay responsibilidad ng lahat at hindi lamang ng partikular na ahensiya.

Bilang chairperson ng Senate Committees on Science and Technology at Tourism, makaaasa ang industriya ng ating patuloy na suporta upang mapalago at maging sustainable ito, lalung-lalo na pagdating sa rural development.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page