GF ng aktor, nagselos daw sa kanya… Jasmine, dawit sa away sa parking lot nina Ruru at Bianca, nagsa
- Vinia Vivar
- Feb 2, 2020
- 2 min read

Ayaw nang masyadong magsalita ni Jasmine Curtis-Smith tungkol sa pagkakadamay niya sa napabalitang away nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa parking lot last November, 2019.
“That’s their relationship, you know,” sey niya nang makatsikahan namin sa presscon ng Descendants of the Sun, Ph. adaptation, “and people will always drag people into other people’s messes.”
Basta ang importante raw ay alam niya kung saan siya lulugar.
“It’s just knowing your place, and being confident knowing who you are, what you really involved in, and kung hindi ka naman involved sa drama nila, you know, just stay away from it, like kebs (read: kiber)!”
Hindi naman siya na-bother that time sa issue?
“Nah. It’s not my relationship to be bothered about, ‘di ba? I don’t let it consume me kasi sa kanila na ‘yan, eh. It’s theirs to fix and if they have a problem, then, sila ang mag-usap.
“And same naman with me. If kami ang magka-problem ng boyfriend ko, ayoko namang may nadadamay na ibang tao, sa news or sa media. Kasi, kawawa rin ‘yung taong ‘yun.
“I know the feeling. I felt it many times in this industry. But yes, part of the industry and you just get used to it. More than anything, alam mo naman ‘yung katotohanan, so, huwag ka na lang magpadala, ‘di ba? ‘Yun lang,” she said.
Natanong din namin kung nag-apologize ba si Ruru sa kanya sa pagkaka-drag niya sa issue at ayon kay Jasmine ay ang aktor na lang daw ang tanungin tungkol dito.
Matatandaang naging issue ang tatlo dahil sa balitang nag-away sina Bianca at Ruru sa parking lot after the premiere night of Cara X Jagger na movie ng aktor at ni Jasmine.
Diumano ay nagselos si Bianca kay Jasmine kaya nag-away ang dalawa at muntik pa raw sagasaan ng una si Ruru dahil sa selos.
Anyway, itinanggi naman ito ni Ruru kaya namatay din agad ang issue. Sa kanyang panayam, sinabi niyang wala namang ganu’ng nangyari.





Comments