top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa nCoV — DTI.. Made in China, haharangin

  • Madel Moratillo
  • Feb 2, 2020
  • 1 min read

Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na isailalim muna sa pagsusuri ang ilang produkto mula sa China bago ito ilabas sa publiko.

Ito ang inihayag ni DTI Sec. Ramon Lopez matapos may makumpirma ng kaso ng 2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease (2019 nCoV ARD) sa bansa.

Gayunman, ayon kay Lopez, nakikipag-ugnayan pa sila sa Department of Health (DOH) para matukoy kung anu-anong produkto ang isasalang sa laboratory test.

Nilinaw naman ni Lopez na sa ngayon ay wala pa silang malinaw na desisyon hinggil dito.

Posibleng sa mga darating na araw ay makapaglabas sila ng kung ano ang mapagkakasunduan sa DOH.

Ang China ang isa sa pangunahing trading partner ng Pilipinas.

Sa ngayon, nasa 31 na ang person under investigation ng DOH dahil sa hinihinalang 2019 nCoV ARD. Kabilang na rito ang Chinese national na namatay dahil sa severe pneumonia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page