Trike driver patay sa pasahero

Patay ang tricycle driver matapos barilin ng kanyang pasahero sa Bgy. Mayodon, Los Baños, Laguna.
Alas-11:15 ng umaga, sakay ng kanyang ipinapasadang tricycle ang biktimang si Rodolfo Magazo, 33, at tinatahak nito ang nasabing highway.
Hanggang sa makatalo nito ang suspek na pasahero na si alyas PJ, sa hindi pa malamang kadahilanan.
Bigla umanong bumunot ng baril ang suspek saka pinagbabaril sa katawan ang biktima.
Patuloy pa ang manhunt operation ng pulisya sa suspek.





Comments