top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinakamaanghang na takbuhan sa tag-init, Sili Run sa CCP

A. Servinio
Feb 1, 2020
1 min read

Ang pinakamaanghang na fun run ngayong tag-init, ang unang edisyon ng Sili Run, ay gaganapin sa Abril 26 sa Cultural Center of the Philippines. Maliban sa takbuhan, nais ng Sili Run na ipakilala at ipagmalaki ang mayaman na kultura ng Bikol habang nagbibigay tulong sa mga taga-roon.

“Napili namin bilang sagisag ang sili dahil ito ang isa sa mga unang naiisip ng tao kapag narinig ang Bikol,” wika ni Michael Socito ng Bicolano Runner na punong abala sa takbo kasama ang Green Media Events.

Bahagi ng malilikom na pondo ay mapupunta sa Tiwala Kids and Communities, isang non-government organization (NGO) na buhat sa Legazpi City, Albay. Layunin ng samahan na makatulong sa mga mahihirap na kabataan mga pamilya sa buong Bikol sa pamamagitan ng libreng edukasyon.

Maaring tumakbo ng 16-kms, 10-kms o 5-kms. Lahat ng sasali ay bibigyan ng singlet at numero at gagawaran ng medalya ang lahat ng magtatapos habang may dagdag na itim na t-shirt para sa mga tatakbo ng 10-kms at pulang t-shirt para sa 16-kms.

Tumungo lamang sa mga sangay ng Garmin sa mga SM Malls at Greenbelt 5, Alabang Town Center at Uptown Mall-Bonifacio Global City. May online registration din sa Facebook Page ng “Sili Run.”

Samantala, bukas pa rin ang pagpapalista para sa Running Divas Manila, ang isa pang fun run ng Green Media sa Pebrero 16 sa CCP. Pumunta lang sa Garmin at sumali sa dalawang masayang patakbo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page