top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

PBA 3X3 program, binubuo para sa FIBA qualifying

  • VA
  • Feb 1, 2020
  • 2 min read

Kabilang sa mga agenda sa tatlong araw na annual planning session ng PBA Board of Governors sa Milan, Italy ay ang paglalagay ng pundasyon para sa 3×3 program ng liga.

Dahil dito ay bumuo ang board ng isang selection committee na siyang pipili ng final four players na magiging kinatawan ng bansa sa darating na 2020 FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president na siya ring governor ng koponan ng Meralco na si Al Panlilio na ang “5-man selection committee” ang pipili ng final four player na isasabak natin sa global meet na gaganapin sa

Marso 18-22 sa Bangalore, India.

Ang mga nasa committee ay sina Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league commissioner Eric Altamirano, SBP executive director Sonny Barrios, SBP coaches commission head Jong Uichico, Gilas women’s program director Patrick Aquino at national 3x3 coach Ronnie Magsanoc.

Mamimili sila sa Gilas Pilipinas 3×3 pool na umabot sa 14 nang magpahiram ang PBA ng apat pang players. “I would like to also announce that the PBA board has agreed to add four players to the pool and it’s the four names that won the SEA Games gold — Jason Perkins, Mo Tautuaa, Chris Newsome, and CJ Perez,” wika ni Panlilio.

Sa nabanggit na apat na PBA players, dalawa lamang ang puwedeng mapasama sa line-up dahil ayon sa FIBA 3×3 rules, dalawang player lamang na wala sa top 10 sa ranking ng kinakatawan nitong bansa ang maaaring makalaro.

Ang mga 3x3 players na kasalukuyang nasa top 10 at kabilang sa national pool ay sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou , Karl Dehesa, Santi Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Leo De Vera, Ryan Monteclaro at Jaypee Belencion.

Batay sa isinagawang draw, ang Pilipinas ay napabilang sa Pool C ng qualifier kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page