top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga biyahero mula Hubei, China banned sa ‘Pinas — P-Du30

Mylene Alfonso
Feb 1, 2020
1 min read

Walang katiyakan kung hanggang kailan mananatili ang travel ban na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Chinese national na manggagaling sa Hubei Province.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ibinabang direktiba ng pangulo kaugnay sa pagbabawal na makapasok ang sinuman sa teritoryo ng Pilipinas na magmumula sa nabanggit na lalawigan ng China.

Sinabi ni Panelo na hangga’t may banta ng nCoV hindi aalisin ang travel ban sa gitna ng pinangangambahang posibleng kumalat pa ang virus sa bansa.

Kaugnay nito, inihayag ni Panelo na sa sandaling may lugar pa sa China na may maiulat na kaso ng coronavirus ay saka sila gagawa ng panibagong hakbang o pagpapatupad ng panibagong travel ban dahil ang gobyerno ng China ang magkukumpirma nito.

Pero sa ngayon ayon kay Panelo sa Hubei Province pa lamang umiiral ang ban habang mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa iba pang area ng China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page