top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-asawa, naka-confine sa QC.. 31 sa ‘Pinas, suspek na may nCoV

  • V. Reyes/Madel Moratillo
  • Feb 1, 2020
  • 2 min read

Itinuturing na rin na persons under investigation ang mag-asawa na nagpa-check-up sa isang ospital sa Quezon City dahil sa pinangangambahang may sintomas ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Nabatid mula kay Mike Marasigan, pinuno ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, nagtungo sa pagamutan sa lungsod ang mag-asawa matapos makaramdam ng pananakit ng likod.

Mayroon umanong travel history ang mag-asawa mula sa China kaya agad nakipag-ugnayan ang pamunuan ng ospital sa QC DRRMC para mailipat ang mga ito sa San Lazaro Hospital. Gayunman, hindi na pinatuloy sa San Lazaro Hospital ang mag-asawa at pinayuhan na sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw.

Sa kabila nito, sinabi ni Marasigan na wala pang kaso ng nCoV sa lungsod taliwas sa mga kumakalat sa social media.

Samantala, patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga person under investigation na inoobserbahan ng Department of Health dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, aabot na ngayon sa tatlumpu’t isa ang bilang ng kanilang inoobserbahan dahil sa posibilidad ng 2019 nCoV ARD ang mga bagong kaso ay isang Chinese at isang American nationals.

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kaso na ito ay mayroong travel history sa Hubei Province sa China.

Habang nananatili namang isa pa lang ang kaso ng 2019 nCoV ARD sa bansa. Tiniyak din ng DOH na patuloy pa rin nilang minomonitor ang sitwasyon ng nasabing Chinese at kasalukuyang naka-isolate sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ang kasama naman nito ay naka-isolate na rin habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kanya kung ito ba ay positibo rin sa 2019 nCoV ARD. Samantala, sinimulan na rin ng DOH ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing Chinese.

Payo naman ni Domingo sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing Chinese na huwag matakot at obserbahan din ang sarili.

At matapos namang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang 2019 nCoV ARD bilang isang public health emergency of international concern ay posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga lugar na irerekomenda ng DOH na magkaroon ng travel restriction sa iba pang lugar sa China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page