top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Pebrero 1, 2020 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Feb 1, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2020 (Sabado): Maglalakbay ka hanggang sa gusto mo. Sa paglalakbay mo, makahaharap mo nang mukhaan ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan sa bagong pormula ng tagumpay na balak mong subukan. Isagawa mo agad ito nang sa gayun ay maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-20-24-36-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magbabago, ituloy mo lang ang mga ginagawa mo. Habang kumikilos ka, papalapit nang papalapit ka sa katuparan ng iyong malalaking pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-21-24-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Sarili mo ang pinakamahigpit mong kalaban. Kapag napansin mo na tinatalo ka ng iyong mga kahinaan at kapintasan, gumawa ka ng paraan para mabago mo ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-24-37-44.

CANCER (June 21-July 22) - Dumarating ang mga suwerte mo kaya kailangan mong maihanda ang iyong sarili. Isabuhay mo ang pagpapahalaga sa iyong mga kabuhayan nang hindi masayang ang darating na mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-17-25-27-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang magandang pagkakataon para mapalitan ng magagandang katangian ang iyong mga kapintasan. Ngayon din maaaring magsimula ang pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-24-35-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang nababawasan ang lakas ng loob mo kaya ang payo sa iyo, makipagkuwentuhan ka sa malalapit sa iyo nang lumakas ang loob mo na makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-24-27-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ituloy mo ang pagiging mapag-obserba mo nang hindi makalagpas sa iyo ang mga suwerteng mabilis na napupunta sa iyong harapan. Kapag natukoy mo, ito na ang suwerte kaya sunggaban mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-21-27-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magsaya kasama ang malalapit sa puso mo. Ang totoo nga, nakatutulong ito para manumbalik ang sigla mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-17-20-28-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagpalagay na umaatras ang iyong mga suwerte. Totoong atras-abante ito, pero sa kabuuan, kapag pinag-aralan ay makikita mong malaki ang iniangat ng buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-23-33-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil mula sa mga pagkilos ng mga lantad at lihim, sa kaaway mo manggagaling ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-29-30-31-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Ipagdiwang at pasayahin mo ang iyong sarili. Ang mga nasa paligid mo ay bigyan mo rin ng saya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-14-16-29-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka nang walang katulong dahil mas

maganda na nag-iisa ka lang. Ang katulong ay pampatagal lang at hadlang pa sa iyong kalayaan na magawa ang diskarte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-17-22-24-45.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page