top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa nalalapit na TV project, nagpapa-excite sa kanya… Sanya, bagong makakasama ni Sen. Bong?

Nitz Miralles
Feb 1, 2020
2 min read

Nitz Miralles / Bida

Very proud si Senator Bong Revilla, Jr. sa asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa ipinakitang pagmamalasakit sa mga nabiktima ng Taal Volcano eruption. Kuwento ni Bong sa entertainment press, nagulat na lang siya nang makita sa FB ni Lani na umaksiyon agad sa second day pa lang after ng volcanic eruption.

“Nagulat ako, nasa Alfonso, Cavite na agad siya. Ang bilis niyang kumilos. May dugong Batangueña ‘yan, kaya kahit delikado pa, nakita ko ang puso niya sa pagtulong. Mas lalo akong na-in love, napabilib niya ako,” wika ni Bong.

Hindi lang pumunta sa Alfonso, Cavite si Lani, nag-adopt din ang Bacoor ng 400 plus families, nagpadala ng mobile kitchen, ipinahiram ang kanilang emergency crew at nag-allot ng P3.5 M tulong sa mga nangangailangan.

On his part, pumunta rin si Bong sa different evacuation centers at namigay ng mga relief goods. Pero hindi sa pamimigay natapos ang pagtulong nilang mag-asawa sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption.

Anyway, magiging busy si Bong sa movie at TV project na inamin nitong nagpapa-excite sa kanya dahil matagal siyang nabakante. Ang tingin ng mga reporters, kung puwede lang, gugustuhin na nitong simulan ang taping ng weekly series niya sa GMA-7 na Agimat ng Agila to be directed by Rico Gutierrez. Kaso, sa February 8 pa ang simula ng taping.

Hindi nagbanggit si Bong ng Kapuso stars na makakasama sa show pero lumitaw ang pangalan ni Sanya Lopez. Sa mga magge-guest, bahala na raw ang GMA-7 at okay sa kanyang mag-guest sina Lotlot de Leon at Janine Gutierrez.

Next week, may meeting na siya sa Star Cinema sa pelikulang pagsasamahan nila ni Kathryn Bernardo na tungkol sa father-daughter relationship. Ang sabi, si Frasco Mortiz ang magdidirek ng comeback movie ni Bong.

“Ang comeback movie ko, sa Star Cinema, at ang ganda ng gagawin kong project. Sa TV, sa GMA-7 ako, Kapuso tayo at maganda rin ang Agimat ng Agila. Excited na ninenerbiyos ako sa project na ito, kakaiba siya at siguradong magugustuhan ng mga manonood. I’m starting over again, sana abangan ang mga projects ko,” sabi ni Bong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page