Dahil sa nCoV — Adamson.. Chinese students, bawal pumasok
- BRT
- Feb 1, 2020
- 1 min read

Ipinasailalom sa self quarantine kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV) ang mga Chinese na estudyante ng Adamson University.
Sa memorandum ng paaralan, lahat ng Chinese nationals na estudyante ay pinapayuhan na iwasan muna ang transaksiyon sa loob ng unibersidad mula kahapon, Enero 31, hanggang sa Pebrero 14.
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga professors at mga estudyanteng Chinese na gamitin ang e-learning system ng eskuwelahan.
Samantala, magpapatuloy namang normal ang klase ng mga local student at international student.





Comments