Bigtime pusher, huli sa drug-bust
CAMARINES SUR — Nadakip ang isang bigtime drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Odicon, Pasacao.
Ang suspek ay nakilalang si Tolentino dela Cruz, nakatira sa nasabing bayan. Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 40 gramo ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Dela Cruz nang arestuhin ng mga awtoridad sa naturang barangay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa suspek upang makilala ang iba pang miyembro ng sindikato ng droga na nag-o-operate sa lalawigan at sa kasalukuyan ay sinampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments