2 sikat na international stars… Antonio Banderas at Penelope Cruz, pasok sa serye ni Coco?
- Beth Gelena
- Feb 1, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Usap-usapan sa bakuran ng ABS-CBN na malapit na raw pumasok sa Ang Probinsyano ang dalawang foreign actors na sina Antonio Banderas at Penelope Cruz. Pero hindi pa alam kung dito sa ‘Pinas o sa ibang bansa kukunan ang eksena ng dalawang international artists.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng team ni Coco Martin ang pagpasok ng dalawang mahuhusay na banyagang artista sa kanyang serye.
Magiging mahigpit bang kaaway ni Cardo (Coco) o kakampi sina Antonio at Penelope?
‘Yan ang aabangan ng mga Ang Probinsyano avid viewers.





Comments