top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Underground Battle MMA Hybrid, patok na weaponize cage fighting

  • MC
  • Jan 31, 2020
  • 2 min read

Ipinakilala na ang kauna-unahang Juego Todo champion sa isang naging kapana-panabik na sagupaan sa Sta. Ana, Cagayan noong nakalipas na buwan.

Subalit ito pa lamang ang simula ng kanyang pakikipagsapalaran para sa mas malalaking Juego Todo competitions na aasahan ngayong taon, ayon kay Underground Battle Mixed Martial Arts (UGBMMA) founder Ferdie Munsayac. “Ang Juego Todo ay isang weaponize cage fighting na unang ipinakilala natin dito sa bansa noong 2014 kung saan ay nagpakita ng angking kakayahan ang ibang Filipino fighters sa larangan ng pakikipagbakbakan,” pahayag ni Munsayac sa 53rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club in Intramuros kahapon ng umaga. “We did it in Sta Ana, Cagayan and produced our first champion in Genil Francisco last Dec. 20. But we don’t want to stop from there,” dugtong pa ni Munsayac, na umaasang lalo pang makahihikayat ng mas maraming fighters mula sa ibang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ni Munsayac na ang mga Pinoy ay may angking galing para magpakitang-gilas sa Juego Todo dahil, “Ang sport na ito ay hybrid ng mga Filipino martial arts simula pa noong panahon ng ating mga ninuno. Juego Todo is like bringing in the modern-day Filipino gladiators, or the arnisadors as we know them, and putting them in the modern-day arena, which is called octagon in the MMA,” pagsasaad ni Munsayac, na isang retired United States Navy chief petty officer na mas lalong kilala sa tawag na “Papa Goat” sa local at international MMA community.

“This year, we will stage Juego Todo competitions in Metro Manila and we are inviting interested fighters to join in our qualifying tournament scheduled in April,” anunsiyo pa ni Munsayac sa lingguhang session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page