top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paggunita sa mag biktima ng trahedya sa lansangan, batas na

  • Mylene Alfonso / Lourdes Abenales
  • Jan 31, 2020
  • 1 min read

Ganap nang batas ang panukalang nagtatakda sa ikatlong Linggo ng Nobyembre ng kada taon bilang National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Families.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11468, na nagmamando sa pagkakaroon ng iba’t ibang aktibidad para sa paggunita ng araw na ito.

Kabilang na rito ang wreath laying activities, special blood donations, recognition ceremonies, multi-sectoral synopsis, public awareness campaign at iba pa.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagbuo ng national working committee na siyang mangunguna sa mga aktibidad.

Nilagdaan ni P-Duerte ang panukalang-batas nitong Enero 23 at magiging epektibo 15 araw matapos ang official publication.

Samantala, nagpasalamat naman si Senadora Grace Poe, may-akda at sponsor ng naturang batas.

“Nagpapasalamat tayo na mayroon na tayong batas para gunitain ang mga biktima ng trahedya sa lansangan,” ani Poe.

“Ang ganitong pag-alala ay daan tungo sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima at naiwan nilang pamilya,” wika pa ng senadora.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page