Motor, iba pang gamit nawawala.. Titser, Pinatay ng grade 10

Photo: gmanewsnetwork
Patay ang isang guro matapos pagtatagain sa Santa Maria, Pangasinan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, kabilang sa mga suspek ang isang menor-de-edad na Grade 10 student.
Ayon sa pulisya, maaaring pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang motorsiklo at iba pang gamit ng guro na si Arnaldo Tabucol.
Kaugnay nito, nahuli sa follow-up operation ang suspek at dinala na sa Department of Social Welfare and Development. Nakatakas naman ang isa pang salarin.





Comments