top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-BF na edad 16 at 14 timbog sa P2.7-M shabu

Maeng Santos
Jan 31, 2020
1 min read

Dalawang estudyante na sinasabing magkasintahan ang arestado matapos makuhanan ng mahigit sa P2.7 milyong halaga ng shabu sa clandestine drug operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, nakatanggap sila ng tip na ang 16-anyos na binatilyo na nasa ilalim ng surveillance dahil sa pagkakasangkot sa pagbebenta ng droga ay naispatan sa kahabaan B. Cruz St., Bgy. Tangos, alas-11:10 ng gabi.

Kaugnay nito, nagsagawa ng covert validation ang mga awtoridad.

At nang mamataan ng mga operatiba sa pangunguna ni PLt. Charlie Bontigao ang binatilyo kasama ang kanya umanong 14-anyos na girlfriend, kapwa natigilan ang dalawang suspek.

Hanggang sa marekober sa dalawang menor-de-edad ang limang icebag na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 404 gramo ng shabu na may standard drug price na P2,747,200.

Ani Col. Balasabas, inaalam pa nila ang natanggap na impormasyon na ang dalawang menor-de-edad ay ginagamit umano ng isang bigtime drug syndicate bilang courier ng illegal drugs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page