Join na uli sa MMFF, pero… Bong, inayawang maging leading lady si Catriona

Planado na ang pagbabalik sa harap ng kamera ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ngayong 2020. Uumpisahan niya sa bagong action-fantasy-series sa GMA-7 na pinamagatang Agimat ng Agila. Pagkatapos, ang pagbabalik-pelikula niya via a comedy-adventure film na isasali niya sa 2020 Metro Manila Film Festival.
“Nagpapasalamat ako sa GMA at winelcome back nila ako. Despite doon sa mga pinagdaanan ko, nand’yan pa rin sila. Hindi nila ako pinabayaan. Itong project ko, isang proyekto na pambata na medyo merong agimat. Kaya ang title niya is Agimat ng Agila,” pagri-reveal ni Sen. Bong sa ginanap na thanksgiving presscon niya kahapon.
It will be a big comeback on TV for Sen. Bong kaya naman promise niya na kakaibang atake at approach ang mapapanood sa show niya. Mag-uumpisa na raw siyang mag-taping para sa Agimat ng Agila on February 8.
“Talagang pinaganda ‘yung script, eh. Maski ‘yung mga effects, pinapaganda namin. Pero ie-air siguro ‘to either by March or April.”
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Sen. Bong sa serye niya sa Kapuso Network. Any moment nga naman, baka may mabago pa. Pero ang magdidirek daw nito ay ang dati niyang director sa Kap’s Amazing Stories na si Rico Gutierrez.
Kinumpirma na rin ni Sen. Bong ang movie na gagawin niya at planong isali sa MMFF sa darating na Disyembre.
“Yeah, matagal na naming pinaplano ang project na ‘yun pero sorpresa ‘yun. Reserved muna. Pero comedy-adventure.”
Itinanggi ni Sen. Bong na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kukunin nilang leading lady for his MMFF movie.
“Basta ‘yung proyekto, pinaghandaan namin at ‘yung effects. ‘Yung effects, pagagandahin natin. Basta pambata ito,” lahad pa niya.
Naikuwento rin ni Sen. Bong ang tungkol sa plano ni Sen. Manny Pacquiao na gumawa ng sarili nilang version ng Expendables na pinagbidahan nina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger at iba pang kilalang international action superstars.
“Actually, ‘pag nandoon kami sa Senate, parang napag-uusapan at one point. Si Manny ang magpo-produce.”
Nagbigay din ng reaksiyon si Sen. Bong tungkol sa bagong movie ng best friend niya and former Senator Jinggoy Estrada.
“Well, I’m so happy. At least, may pinagkakaabalahan siya ngayon. At alam mo si Pareng Jinggoy, ginto rin ang puso niyan. Makikita mo sa kanya ‘yung kumbaga, ‘yung tunay na kaibigan, hindi ka niya pababayaan. Kaya sa laban ni Pareng Jinggoy, sa mga darating pa na panahon, hindi mawawala si Bong Revilla sa kanya. Kaya ‘yung paggawa niya ng pelikula, I wish him well. Sabi ko nga, ‘Imbitahan mo naman ako sa shooting mo. Tingnan ko kung marunong ka pang umakting,’” natatawang kuwento ni Bong.
Siyempre, kaabang-abang kung may special guest appearance si Sen. Bong sa movie ni Jinggoy.
“Ewan ko kung kukunin niya ako. Baka magsapawan kami. Hahaha!”
In fairness to Sen. Bong, bago siya magbalik-telebisyon at pelikula, hinarap muna niyang mabuti ang pagiging mambabatas pagkaupung-pagkaupo niya sa Senado. Kaya naman siya agad ang may pinakamaraming panukalang batas at resolusyon na naisumite sa unang anim na buwan pa lamang niya sa panunungkulan.
May 206 na panukala at resolusyon na naiakda sa Senado si Sen. Bong kabilang na ang Salary Standardization Law of 2019 (RA 11466), ang pagtatatag ng Malasakit Centers sa bawat lokalidad (RA 11463) at ang Postponement of SK and Barangay Elections (RA 11462).
Apat naman sa kanyang mga panukalang batas ang pasado na sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ay ang Nightshift Differential Pay for Government Workers, ang pagbuo ng National Transportation Safety Board, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at ang Road Crash Victims Day of Remembrance.
Tunay nga na hindi magpapatinag ang agimat ni Sen. Bong lalo na sa pagsulong at paghikayat sa kanyang mga kapwa senador na agad isabatas ang mga mahahalaga at napapanahong panukala.





Comments