38-anyos na Chinese, nakapasok.. 'Pinas,positive na sa nCoV

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may positibo ng kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, isang 38-anyos na babaeng Chinese na dumating sa bansa mula sa China via Hong Kong noong Enero 21 ang nagpositibo sa isinagawang laboratory test.
Na-admit ito sa isang government hospital noong Enero 25 matapos makaranas ng kaunting ubo. Nakumpirma na positibo ito sa 2019 nCoV matapos matanggap ng DOH ang resulta ng pagsusuri mula sa Victorian Infectious Diseases Laboratory sa Australia.
Paglilinaw ni Duque, ang pasyente ay asymptomatic, ibig sabihin wala itong lagnat at iba pang sign at nakumpirma lang matapos ang mga ginawang pagsusuri sa kanya.
Sa ngayon, patuloy pa rin umano itong naka-isolate sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
“I assure the public that the DOH is on top of the situation. We were able to detect the 1st confirmed case because of our strong surveillance system, close coordination with WHO (World Health Organization) and other agency,” pahayag ni Duque.
“I urge the public to remain calm and vigilant and practice good hygiene and healthy lifestyle,” dagdag pa ng kalihim.
Kaugnay nito, inaalam na rin ng DOH ang detalye ng naging biyahe ng nasabing pasyente.
Sa ngayon, nasa 29 na ang naitalang person under investigation dahil sa 2019 nCoV kung saan 23 sa mga ito ay nasa ospital habang 5 naman ang na-discharge na pero patuloy pa ring minomonitor ang sitwasyon, habang may isa namang naiulat na nasawi.
Sa kabila nito, iginiit ni Duque na ang inirerekomenda pa lang nilang travel restriction ay sa Hubei province sa China habang hinihintay ang resulta ng ginagawang assessment ng WHO.





Comments