Visa ni Sen. Bato kinansel.. P-Digong: Mga gabinete bawal mag-US!

Hindi muna papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete na magtungo sa Estados Unidos, ilang araw matapos na iutos niya ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement.
“I will not allow any Cabinet member to go there at this time. No Cabinet member should be allowed to go to the United States,” wika ni Duterte.
Inamin din ng Pangulo na unti-unti nang nagiging malamya ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Matatandaang iniutos ng Chief Executive na tuldukan na ang VFA kasunod ng pagkansela ng US visa ni dating Philippine National Police Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil umano sa madugong war on drugs.





Comments