Todo-enjoy sa premarital sex, nag-aaral pa si girl, wa’ kayod si boy, maghihirap ‘pag nag-asawa
Maestro Honorio Ong
KATANUNGAN
Matagal na kami ng boyfriend ko at madalas na kaming nagse-sex, pero hindi safe sex ang ginagawa namin kaya natatakot ako na biglang mabuntis. Gusto ko nang iwasan ang pakikipagtalik dahil alam kong mali, kaya lang, madali niya akong napipilit at sa kapipilit niya, bumibigay na rin ako kaysa magkatampuhan at mag-away pa kami.
Ang isa pang problema ay walang stable work ang boyfriend ko at pa-extra-extra lang ang trabaho niya habang ako naman ay third year college sa kursong Accountancy.
Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko at magiging maayos kaya ang itatayo naming pamilya kahit hindi pa siya nakakatagpo ng permanenteng trabaho?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) na sobrang lapit sa Heart Line (h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kapag hindi kayo naglubay ng boyfriend mo na sa tuwing nagde-date ay humahantong sa pagtatalik, malamang na darating ang kinatatakutan mo – bigla kang mabubuntis.
Sa sandaling nangyari ‘yun, tuluyan na ring magaganap ang ipinahihiwatig ng unstable na Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin, dahil hindi gumuhit nang malinaw at maayos ang Fate Line (arrow c.), maraming pagsubok ang daranasin ng inyong relasyon, higit lalo sa aspetong pampinansiyal, lalo na kapag nagsasama at may anak na kayo.
At sa sandaling hindi nakatagpo ng matinong trabaho ang boyfriend mo na maaaring maging asawa mo, tiyak ang magaganap, tulad ng ibang mga kabataan na hindi pinaghandaan ang pag-aasawa, sa panahong may baby na kayo, aasa lang kayo sa inyong mga magulang na wala rin namang masyadong inaasahan sa buhay kundi ang kakarampot na pensiyon na natatanggap nila buwan-buwan. Kaya tulad ng nasabi na, kapag nagpatuloy kayo sa ginagawa n'yong premarital sex, gayung nag-aaral ka pa at walang regular na trabaho ang boyfriend mo, malamang na sa sandaling nagka-baby kayo bigla, sobrang hirap at mga pagsubok ang siguradong daranasin n’yo habang kayo ay nagsasama.
DAPAT GAWIN Sheirly, kung hindi mo magagawa ang pag-iwas, matutulad ka sa isang hindi magkandaugagang nanay sa pag-aalaga ng sunud-sunod niyang mga anak. Karga-kargang dumedede si bunso sa kanyang dibdib habang karay-karay mo naman patungong tindahan para mangutang ng bigas ang dalawa pang anak na nakahawak sa palda mo dahil tulad ng nasabi na, sanhi ng hindi pinaghandaang pag-aasawa, ganu’n ang posibleng mangyari sa inyo – kung hindi n’yo iiwasan ang premarital sex na maaaring humantong sa biglaang pagbubuntis at wala sa panahong pag-aasawa (Drawing A. at B. 1-M arrow a., h-h arrow b. at F-F arrow c.) na posibleng maganap sa second quarter ng taong ding ito ng 2020, sa edad mong 21 pataas.




Comments