Mga iskolar ng bayan, sa madlang pipol tumanaw ng utang na loob,‘wag sa mga pulitiko
- Isko Moreno
- Jan 30, 2020
- 1 min read

Maligayang pagbati sa mga bagong nurses ng Universidad de Manila! Huwag sana kayong makalilimot sa bayan na isa sa mga dahilan kung nasaan man kayo ngayon. Tandaan ninyo, kasabay ng sakripisyo ng inyong mga magulang o sinuman na tumutulong sa inyo, gayundin ang sarili ninyong pagsisikap, malaking tulong ang buwis ng taumbayan sa inyong pag-aaral.
You owe it to the people of Manila at hindi sa aming mga pulitiko — kami ay come and go — pero ang institusyon tulad ng UdM ay palaging nandiyan para sa mga mag-aaral na hindi tumitigil sa pag-abot sa kani-kanilang pangarap.
Maraming salamat sa mga natutuwa, nakauunawa at nakaa-appreciate sa ating mga ginagawa para sa ating mahal na lungsod ng Maynila, inspirasyon namin ‘yan na pagbutihin pa ang aming trabaho.
Pero palagi ninyong tatandaan, ang ginamit na pampaaral sa inyo ay pera ng taumbayan, so, sila ang dapat pasalamatan at makinabang sa tulong at tiwala na ipinagkaloob sa inyo.
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph





Comments