Kampanya ng Ceres, tinuldukan ng FC Tokyo sa AFC champions
- A. Servinio
- Jan 30, 2020
- 1 min read
Tapos na ang magiting na kampanya ng Ceres Negros ng Pilipinas sa 2020 AFC Champions League matapos magtagumpay ang FC Tokyo, 2-0, Martes ng gabi sa Ajinomoto Stadium sa Tokyo, Japan.
Nagawa pang lumaban ng mga kampeon ng Philippines Football League (PFL) subalit sa huli ay lumabas ang kanilang kakulangan ng karanasan kontra sa isang bigating kalaban na nagtapos ng pangalawa sa 2019 J1 League.
Basang-basa ang palaruan dala ng malakas na ulan at walang goal sa first half pero nahanap ng mga Hapon ang unang goal mula kay Sei Muroya sa ika-48 minuto. Kahit naunahan, hindi basta sumuko ang Ceres at lumaban para makamit ang panabla.
Malaking pagkakataon ang dumating matapos paalisin sa laro si Taichi Hara ng Tokyo sa ika-79 minuto dahil sa isang red card bunga ng pagsiko kay Takashi Odawara kaya lamang ng isang tao ang Ceres. Sa kasamaang palad, hindi nila nagamit ito at kumapit ng husto ang Tokyo sa huling 11 minuto.





Comments