Inspirasyon ang iniwan ni Kobe Bryant sa basketball fans
- Korina Sanchez
- Jan 30, 2020
- 1 min read
Likas sa ating mga Pinoy ang kahiligan sa sports kung saan pansamantalang tumitigil ang ating mundo kapag may laban ang ating “Pambansang Kamao” na si Emmanuel “Pacman” Pacquiao.
Pero bukod sa boksing, nagkakasundo rin tayo sa pagsuporta, panonood at mismong paglalaro ng basketball.
At kung mahilig ka talaga sa basketball, imposibleng hindi mo kilala si Kobe Bryant, 41-anyos, legendary NBA superstar na mula sa koponan ng Los Angeles Lakers.
Malungkot ang pagpasok ng linggong ito dahil isang masamang balita ang sumalubong sa atin, namatay dahil sa helicopter crash si Kobe, kasama ang 13-anyos nitong anak na si Gianna, gayundin ang 7 iba pa.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagbagsak ng kanilang helicopter.
Sa pagkawala ni Kobe, mananatili ang kanyang legasiya dahil malaking kawalan sa mundo ng basketball ang NBA legend, nagsilbi siyang inspirasyon hindi lamang sa matatanda kundi maging sa kabataan na mas mabuting mahumaling sa paglalaro ng basketball kesa malulong sa masamang bisyo.
Ang basketball ay hindi lamang isang uri ng sports na palalakasin ang iyong katawan kundi marami rin itong ituturo tulad ng sportsmanship, disiplina, pakikisama, pagkakaroon ng pangarap at iba pa.
Paalam sa idolo nating lahat, paalam, Black Mamba.





Comments