top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

4th Henry Cup lalarga na

  • Ding Taboy
  • Jan 30, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Aabangan ng bayang karerista ang labanan ng mga kabayo sa nakatakdang 4th Henry Cojuangco Cup sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite sa Linggo.

Kung hindi magbabago, maglalaban ang Ack, Bugle Notes, Dragon Butterfly, Full Steam, Gomper Girl, Lovely Flash, Lucky Visit, Murika, Sky Hook, Und Kantar at Viva Morena.

Tatawirin ng mga kalahok ang 1,750 meter at naghihintay ang unang premyong P900,000 sa kampeon, habang tatanggap ng P400,000 ang masesegundo, makakakuha naman ng P200,000 ang 3rd place habang P100,000 ang para sa 4th place.

Pagkakalooban ng gold trophy ang mananalong kabayo, mula kay Amb. Eduardo M. Cojuangco, Jr. at plaques para sa hinete at trainer. Sa Race 1, matutunghayan ang Pick 6 at nakalalamang ang Dancer Image habang magsisilbing kalaban ang Clementine at King Fox sa pag-alagwa ng 3 Year Old & Above Maiden Race.

Sa Race 2, sa pasimula ng Pick 5, nakalalamang ang Coastal Road, habang makakalaban ang My Way at couple entry na Latest Model at Ungkaw kasabay ng Trifecta at Quartet.

Sa Race 3, magaganap ang Pick 4 at nakalalamang ang couple entry na Fantastic Red at Prince Jolo habang makakalaban ang Star of Kidapawan at Quincy.

Magkakalaban sa Race 4 at pinapaboran ang Batas Kamao, habang Sweetness ang ay makakatunggali ang Puso sa Paraiso.

Sa Race 5 maglalaban ang Magnitude Eight at Simply Believe at couple entry na Born Unto Battle at Dangerous Willie at sa Race 6, nakalalamang Cleave Ridge habang makakalaban ang couple entry na Batang Novaliches at Oh Neng at Jade’s Treasure.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page