Tinapatan ng LizQuen sa Dos… Serye ni Alden sa siyete, babu na!
- BULGAR

- Jan 29, 2020
- 1 min read

This week, magtatapos na ang One of the Baes na inabot din nang four months, kaya masasabing matagumpay ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela kung saan nakasama pa nila si Roderick Paulate na talaga namang kinagiliwan din ng mga netizens sa naturang serye.
Next week naman magtatapos ang teleserye ni Alden Richards na The Gift na umabot nang 21 weeks, at ngayon ay nakikipag-compete sa Make it With You nina Liza Soberano at Enrique Gil na pasabog agad ang pilot week, kaya na-hook ang mga viewers.
Anyway, dalawang bagong serye ng GMA Network ang naka-line-up nang ipalabas. Una, ang Love of My Life nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes na malamang pumalit sa slot ng One of The Baes. Pangalawa, ang Philippine version ng Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith at Jennylyn Mercado na ipapalit sa The Gift. ‘Yun ay kung hindi nila babaguhin ang line-up. Pero pupuwede rin naman itong itapat sa A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson, since halos magkapareho ang kanilang tema.
This time, mukhang hindi na nga mangyayari ang tapatang Dingdong at Coco sa primetime na ilang ulit nang nangyari. Pero kahit ganu’n, sa pagpasok ng Pebrero, makukumpleto ang bagong banggaan ng mga teleserye ng magkatapat na istasyon na tiyak na aabangan ng mga netizens kung ano ang magiging resulta.





Comments