Dahil sa novel coronavirus.. Chinese workers, ipagbawal muna

Pansamantalang ipinatitigil o dapat magpatupad ng moratorium sa pagkuha ng mga bagong empleyadong Chinese ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.
Ani ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, chairman ng House Committee on Games and Amusement, hangga’t may banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV) ay hindi rin muna dapat tanggapin kahit ang pabalik na POGO workers mula abroad.
Giit ni Yap, mas prayoridad ngayon ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino dahil mababalewala rin ang kikitain mula sa POGO kung magkakaroon naman ng nCoV outbreak sa bansa.
Hinihimok ng kongresista ang mga POGO operators at service operators na mahigpit na ikonsidera ang nasabing hakbang para maiwasang makapasok sa bansa ang nCoV.





Comments