top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

All Heart, Geneva at Kid Baloloy pansolo

Ding Taboy
Jan 29, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang walong karera sa Additional One Win in Group Races na paglalaban ng mga mahuhusay na mananakbo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Kasabay nito matutunghayan ang dalawang Pick-5 event at tig-isang Winner Take All (WTA), Pick 6 at Pick 4 kasama ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa panimula ng karera sa Race 1, unang matutunghayan ang 1st Pick 5 at maglalaban sa Condition Race (17), ipinapatok ang All Heart at makakalaban ang Peter’s Pride.

Sa Race 2, umpisa ng WTA at ipinapatok ang Geneva at pamor-cast ang Minotaur at Quaker Kwek.

Magsisimula ang Pick 6 sa Race 3 magkakalaban ang My Loving Wife, Minalim at Must Change.

Sa Race 4, magsisimula ng 2nd Pick 5, dito magkakalaban ang Sunday Surprise, Dimakya Island, Smart Tyler at Big Big Brown. Sa Pick 4 sa Race 5 ipinapatok ang Warrior Heart at magkakatunggali sa forecast ang Happy Man, Bullet Fever at All for Mama.

Sa Race 6, ipinapatok din ang Kid Baloloy at maglalaban para sa segunda ang Big Boss James, Triton at Gil’s Magic. Sa Race 7, magkakalaban ang couple entry na One of A Kind at Red Sole kontra sa couple entry na Top Romance at West Lotus.

Nakalalamang ang Biglang Buhos, habang makakalaban ang Magic Carpet Ride at Play It Safe sa Race 8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page