top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga tindahan sa Batangas, buking sa overpricing

  • V. Reyes
  • Jan 28, 2020
  • 1 min read

Nadiskubre ang mga paglabag ng ilang mga supermarket at tindahan sa Batangas kasunod ng isinagawang sorpresang inspeksiyon ng Department of Trade and Industry kasama ang House Committee on Trade and Industry.

Nabatid mula kay Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, chairman ng komite, may mga sumobra sa pagpresyo ng bottled water at asukal na kabilang sa mga pangunahing bilihin na kailangan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Agad nagpalabas ng notice of violation at show cause order ang DTI sa mga lumabag na tindahan upang maitama ang kanilang pagpresyo.

Batay sa Price Act, ipinatutupad ang price freeze sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity. Sinabi pa ni Gatchalian na mayroon ding mga nagtitinda ng karne na walang sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Service.

Ininspeksiyon din ang mga appliance na ibinibenta at ang mga produktong walang kaukulang ICC mark ay kinumpiska.

Kasabay nito, naniniwala ang kongresista na napapanahon nang amyendahan ang Consumer Act upang mapabigat ang parusa sa mga nagsasamantala at umaabusong negosyante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page