Media, bawal nang makalapit sa thermal scanner sa NAIA

Hindi na pinapayagan ng Bureau of Quarantine (BoQ) ang mga mamamahayag o media na makalapit sa thermal scanner monitor na matatagpuan sa arrival concourse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Wala namang malinaw na dahilan kung bakit ayaw ng BoQ na makuhanan ng video o litrato ang mga equipment na ginagamit ng BoQ sa pagmo-monitor ng pasahero na dumarating mula sa ibang bansa.
Maging ang in-house media sa NAIA ay pinagbabawalan na ring kumuha makaraang ipag-utos ni Ports and Airports Health Services Division Chief Alexander M. Oba.
Ang thermal scanner ay mahalagang gamit ng BoQ dahil ito ang sumisipat sa mga pasahero na dumarating sa Maynila upang matukoy kung sino ang nagtataglay ng sintomas ng sakit tulad ng lagnat, ubo at sipon.
Tumanggi namang magkomento ang mga kawani ng ahensiya kaugnay sa sitwasyon basta sumunod lang sila sa utos tungkol sa pagbabawal.
Ang mga kawani ng BoQ ay naging abala nitong mga nakaraang linggo nang pumutok ang novel coronavirus sa Wuhan, China.





Comments