Horoscope | Enero 28, 2020 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 28, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2020 (Martes): Gamitin mo ang iyong tapang at lakas ng loob sa larangan ng pagnenegosyo, tiyak na ikaw ay mapabibilang sa mga mayayaman. Ito ang mensahe para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinagkaloob sa iyo ng langit ang prebilehiyo na kung ano ang gusto mong gawin ay magagawa mo. Hindi lahat ay pinagkalooban ng ganito dahil marami ang nabibigo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-20-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang paglakas ng loob mo, itutok mo ito sa pagpaparami ng kinikita. Iwasan mong mapunta sa pakikipag-away at pagganti sa mga taong gumawa sa iyo ng hindi maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-21-26-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang pagkakataon para sabihin mo ang mga gusto mong sabihin, ngunit, sabihin mo ito sa mahinahong paraan para ikaw ay maintindihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-20-21-24-36.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang mga gusto mo at iyak na mapasasaiyo ang mga ito. Huwag kang mag-alinlangan dahil kapag nag-alinlangan ka, mabibigo ka. Muli, kumilos ka na parang hawak mo na ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-25-27-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumikilos ang mga bituin sa langit, lahat ay nagkakaisa para magtagumpay ka sa iyong malalaking ambisyon. Isantabi mo muna ang maliliit na pangarap at tutukan ang mga malalaking kagustuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-18-22-28-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lihim kang kumilos para matupad ang iyong mga pangarap. Sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng mga kaaway mo at mga kontrabida sa buhay mo na malayo na pala ang nararating mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-19-20-25-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumikilos ang mga kaaway mo para mabigo ka at mapahiya, pero kabaligtaran ang mangyayari at hindi ka mabibigo dahil sila ang mapapahiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-20-24-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbawas ka ng mga kaibigan dahil dito sa mundo, hindi paramihan ng kaibigan. Ang totoo nga, kung sino ang kaunti lang ang may tunay na kaibigan ay umaasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-28-30-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga sumasalungat sa iyo. Sa huli, makikita nilang tama ang plano mo at sila ay makikiisa nang sila ay makinabang din. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-21-25-27-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iwasan mong magalit dahil noon, ikaw ay nagalit at naging parang bulkan na sumasabog. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-20-22-25-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaabang sa landas ng buhay mo ang mga taong handang bigyan ka ng masarap na buhay. Kaya ang nagsasabi sa iyo na wala kang pag-asa ay mapapahiya sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-18-21-24.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manindigan ka. Humahanga ang langit sa taong may paninindigan at siya ay pinagkakalooban ng malalaking suwerte sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-28-30-39-41.
Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments