top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit sa DICT at NTC.. 3rd Telco, tutukan

  • BRT
  • Jan 28, 2020
  • 1 min read

Kinalampag ni House Committee on Information and Communications Technology Chairman at Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) na gawin ang kanilang trabaho, partikular na tiyaking sinusunod ng third telco ang bawat nilalaman ng kontrata na ibinigay dito ng gobyerno.

Giit ng Tarlac province lawmaker, sa bawat araw na pagkaantala sa inaasahang pagsisimula ng operasyon ng Dito Telecommunity, ang tunay na apektado rito ay ang taumbayan na nag-aasam ng mababang bayad at mabilis na mobile network connections.

Samantala, duda ang militant partylist lawmaker na matutupad ng Dito Telecommunity ang nakasaad sa iginawad na permit-to-operate sa naturang kumpanya, kabilang ang pagkakaroon ng 2,500 cellsites pagsapit ng buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, na kasapi ng Makabayan bloc, maghahain siya ng resolusyon para hilingin na ipatawag sa Kamara upang pagpaliwanagin ang mga opisyal ng DICT at Dito Telecommunity.

Ani Castro, naniniwala siyang nabigyan naman ng sapat na panahon ang Dito Telecommunity kaya hindi katanggap-tanggap na tatalikuran nito at hindi tutuparin ang nilalaman ng kontratang ibinigay sa kanila ng gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page