Dahil sa coronavirus.. Mga pagkaing dapat iwasan, inilabas ng DOH

Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga exotic food, kilawin o mga hilaw na karne.
Kabilang sa mga tinukoy na huwag kainin ay karne ng aso, pusa, daga, bayawak at iba pa.
Kung kakain umano ng karne, tiyakin na matagal ang pagkakaluto upang masigurong patay ang mikrobyo.
Giit ni Health Secretary Francisco Duque III, marami nang sakit ang tao na nakukuha sa pagkain sa mga hayop.
Inihalimbawa nito angang sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS, African Swine Fever (ASF), Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MersCov at iba pa.
Ito aniya ang tinatawag na zoonotic transmission na nangangahulugan ay ang mga sakit na nakukuha ng tao sa pamamagitan ng pagkain ng iba’t ibang hayop.
Kasabay nito, umapela rin ang ahensiya sa publiko na huwag munang makipagbeso-beso o makipagkamay kasunod ng paglaganap ng novel coronavirus.
Hangga’t maaari ay bumati na lamang umano sa halip na magkaroon ng pisikal na kontak.





Comments