top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

AU Chiefs, solo lider na sa NCAA 95 Volleyball

VA
Jan 28, 2020
1 min read

Muling inangkin ng reigning women’s titlist Arellano University ang solong pamumuno sa NCAA Season 95 Volleyball Tournament makaraang walisin ang San Beda University kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nakamit ng Lady Chiefs ang solong pangingibabaw matapos gapiin sa loob ng straight sets ang Lady Red Spikers, 25-20, 25-21, 25-22.

Hindi naman kasing suwerte ng Lady Chiefs ang kanilang men’s squad nang mabigo ito sa Red Lions, 25-15, 25-19, 23-25, 25-16.

Nanguna muli si Regine Arocha at sa pagkakataong ito ay nakatuwang niya ang reigning MVP na si Necole Ebuen para sa Lady Chiefs sa pagposte ng kanilang ikalimang dikit na panalo.

Pinamunuan naman ni Jeffrey Losa ang San Beda Red Lions sa pagpigil sa nasimulang winning streak ng Arellano Chiefs.

Umiskor si Arocha ng 18 puntos, na kinabibilangan 13 attacks, 2 blocks at 3 aces habang nagtala naman si Ebuen ng 12 puntos sa naturang panalo ng Lady Chiefs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page