top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Palasyo hindi na na-shock.. P-Digong scandal ngayong 2020

  • Mylene Alfonso
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Hindi nababahala ang Malacañang kaugnay sa babala ng feng shui expert at Chinese astrology consultant na si Joey Yap na mag-ingat umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta ng mga iskandalo at kontrobersiya ngayong 2020 o Year of the Metal Rat.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, noon pa man ay binabato na ng kaliwa’t kanang kontrobersiya ang pangulo kaya wala na ring bagong iskandalo laban sa Punong Ehekutibo, bagkus, lalong tumataas pa ang rating nito.

“Unang-una, kung ako tatanungin mo, hindi naman ako naniniwala sa feng shui. But kanya-kanyang paniniwala na ‘yun,” ani Panelo.

“Pangalawa, ano pa bang mga bagong iskandalo? Eh, ‘di ba, tinatapunan siya ng mga iskandalo. Tumataas naman ang rating niya,” sabi pa ni Panelo.

Wala rin umanong pakialam ang pangulo kung bibigyan siya ng mataas o mababang approval rating basta naka-focus lamang siya sa kanyang trababo.

“Basta si pangulo, nagtatrabaho siya. Gaya nga ng sinabi niya, he couldn’t care less, que matuwa kayo o hindi, bigyan niyo ako ng approval rating na mataas o mababa,” ayon sa opisyal.

“Basta ang tungkulin ko ay paglingkuran kayo at pangalagaan ko ang inyong kaligtasan sa paraan na alam kong ikabubuti ninyo, anuman ang mangyari sa buhay ko, sa aking kalayaan at sa aking kalusugan,” dagdag pa ng kalihim sa naging pahayag sa kanya ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page