Mga residente sa 12 bayan at lungsod sa Batangas, puwede nang umuwi
- Mylene Alfonso / V. Reyes
- Jan 27, 2020
- 1 min read

Ipinauubaya na sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas kung mapapayagan nitong bumalik na sa kani-kanilang bahay ang mga residenteng inilikas kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Inihayag ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na maliban sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel, wala nang ipinatutupad na lockdown sa mga bayan ng Alitagtag, Balete, Cuenca, Lemery, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Santa Teresita, Taal, Talisay at mga lungsod ng Tanauan at Lipa. Permanenteng lockdown naman ang umiiral sa Taal Volcano Island.





Comments