top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya dapat nililinis din palagi, besh... Washing machine, binabahayan ng bakterya

  • Twincle Esquierdo
  • Jan 27, 2020
  • 2 min read

Alam natin na ang washing machine ay ginagamit para maging malinis ang ating mga damit, matanggal ang mga dumi at mantsa na kumapit dito. Nilalagyan natin ng sabon at detergent para mawala ang mga ito.

Pero alam ba ninyo na pagkatapos maglaba, ito pala ay binabahayan ng mga bacteria?

Ayon sa mga eksperto, ang mga bagong model ng washing machines ay maaaring hindi masyadong nakatatanggal ng bakterya kumpara sa mga washing machines noon.

Natuklasan ito matapos makita ang multidrug-resistant pathogen o bakterya na maaaring maging sanhi ng mga sakit sa mga damit ng bata sa neonatal intensive care unit sa German’s Children Hospital.

Napag-alaman ng mga eksperto na consumer-grade washing machine ang ginagamit ng naturang ospital sa halip na high-temperature industrial washing machine na ka-dalasang ginagamit.

Sa kabutihang-palad, ang mga bata ay na-expose lamang sa drug-resistant Klebsiella oxytoca pathogen, ngunit hindi sila infected.

Dahil sa findings na ito, maraming konsumer ang nagtatanong kung dapat silang mabahala tungkol sa mga bakterya na maaaring nasa kanilang consumer-grade washing machine.

Ang washing machine na isinailalim sa pag-aaral ay ginagamit sa ospital kaya exposed ito sa mga bakterya na dumarami sa ganu’ng klase ng paligid.

Gayundin, ang bakterya na nasa washing machine ay resistant at maaaring maging sanhi ng severe infections, ngunit, kailangan ay susceptible host.

Halimbawa umano nito ang set-up sa naturang ospital kung saan maraming healthcare workers ang exposed sa drug-resistant bacteria, ngunit walang nakakakuha ng impeksiyon.

Samantala, para makatipid sa kuryente, ang mga high-efficiency machine ay ginagamit sa mas mababang temperature kaya nakasu-survive ang mga bakterya sa washing process.

Gayunman, napag-alaman ng mga researcher na ang mga bakterya ay lumalaki sa rubber seals ng washing machine at kumakalat kapag hindi ito ginagamit.

Dagdag pa ng mga eksperto, ang mga bakteryang naiiwan sa mga damit ang lubhang delikado, ngunit ang mga bakteryang naiiwan sa loob ng washing machine ay malayong maging dahilan ng disease.

Ayon kay Dr. Martin Exner, lahat tayo ay exposed sa mga bakterya, ngunit walang nararamdaman kaya payo niya, ugaliing linisin ang washing machine, lalo na kung saan napupunta ang mga dumi galing sa damit na nilabhan upang hindi ito pamugaran ng mga bakterya.

Mga ka-BULGAR, ‘wag nating kalimutan na linisin ang ating mga washing machine sa loob, labas at hose kung saan lumalabas ang maruming tubig dahil maaari itong pamugaran ng mga bakterya.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page