top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaugnay ng coronavirus.. Huwag magpabiktima sa fake news — DOH

  • Madel Moratillo
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko laban sa mga fake news kaugnay ng 2019 novel coronavirus.

Apela ni DOH Undersecretary Eric Domingo sa publiko, makinig lang sa mga balita na ibinibigay ng mga lehitimong news agency o mga impormasyon mula mismo sa DOH.

Ito ay upang maiwasan aniya ang kalituhan at pagdudulot ng panic sa publiko.

Kung may marinig aniyang nagsabi na may positibong 2019 N-CoV na sa bansa ay alamin muna kung totoo talaga ito.

Samantala, muli ring nagpaalala ang kalihim sa kahalagahan na may proteksiyon ang mga nagtatrabaho sa airline at mga paliparan laban sa virus.

Gaya ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ay nasa frontline din aniya ang mga ito kaya dapat na magsuot sila ng face mask bilang proteksiyon.

Maging ang mga nagtatrabaho sa mga ospital at iba pang healthcare facilities ay inabisuhan na rin aniya ng DOH na maging alerto sa mga pasyente na makikitaan ng sintomas ng virus o mayroong travel history sa Wuhan, China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page