top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Face Mask, hindi sapat na panlaban sa coronavirus

  • Ka Ambo
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Ibinaba na ang babala sa Bulkang Taal tungo sa Alert Level 3.

Salamat sa pangungulit ng mga residente!

◘◘◘

MISMONG si Chinese Pres. Xi Jinping ay nababahala sa pag-mutate ng novel coronavirus.

Ibig sabihin, maghuhunos ito tungo sa mas mapanganib na anyo ng virus sa hinaharap!

◘◘◘

UMUWI na ang may 156 Chinese na tubong-Wuhan, China mula sa Aklan.

Pinandirihan sila na parang may mapanganib na “rabies”!

◘◘◘

MAY plano ba ang Malacañang na mailikas ang mga Pinoy na nananatili sa teritoryo ng Wuhan?

Waley!

◘◘◘

NAKATUKLAS na ng gamot ang mga taga-Shanghai kontra sa nCoV.

Pwes, lumipat na tayo sa Shanghai!

◘◘◘

NATUKLASANG nakakapasok ang NcoV sa mga mata at hindi lang sa bibig.

Ibig sabihin, balewala ang N95 mask, dapat naka-protective eyeglass pa rin!

◘◘◘

MASUWERTE ang Pilipinas dahil isa itong archipelago — binubuo ng maraming isla.

Bago tayo malipol, mauubos muna ang populasyon ng China, America, Europe at Africa!

◘◘◘

KAPAG naging grabe ang epidemya — ipagbabawal ang biyahe gamit ang eroplano at barko — ligtas ang Pilipinas.

Sa ibang bansa, kahit bawal ang biyahe sa ere at tubig — tatangayin ang virus sa hangin at hindi mapipigil ang paglilipat-lipat ng tao — gamit ang lupa!

◘◘◘

MASASALA ng dagat Pasipiko at China Sea ang virus.

Masasala rin ito ng Sulu Sea at Celebes Sea kung magmumula naman sa Malaysia at Indonesia ang virus!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page