top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

6 na tulak, tiklo sa P442-k shabu

  • Maeng Santos
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Anim na umano’y notoryus na tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P442,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Bernard Masangya, 30; John Arem Alinea, 38; Ronald Alinea, 48; Rady Pedragorda, 41; Roberto Rosal, 50, at Fred Gregory, 47.

Ayon kay Col. Balasabas, ala-1:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Charlie Bontigao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dapa St., Bgy. NBBS.

Nagawang makapagtransaksiyon ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P1,500.

Matapos ang transaksiyon, agad nagbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kabaro kaya mabilis na sumugod ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

Ani SDEU Investigator PCpl. Florencio Nalus, nakumpiska sa mga suspek ang isang medium sachet at 14 sachets na naglalaman ng 65 gramo ng shabu na nasa P442,000 street value ang halaga, buy-bust money at P500 bill.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page