Para sa career… Ibinuking ng BFF: Hiwalayang James-Nadine, gimik lang?
- Nitz Miralles
- Jan 26, 2020
- 2 min read
Nitz Miralles / Bida

Nakakita ng pag-asa ang mga fans nina James Reid at Nadine Lustre na hindi totoo ang breakup nilang dalawa dahil sa tweet ng aktor na si Alexander Diaz na kaibigan nila.
Tweet ni Alexander: “Someone in my DM’s ‘Bad James, why did you hurt Nadine?’
Me:
1. Fake news po ‘yan, mutual understanding sila and okay na okay po sila,
they love each other and are offering that space to grow. Walang third party.
2. Pati ba naman sa dm’s ko, ibang pangalan ng artista ang itinawag sa ‘kin.”
Maraming pinasaya si Alexander sa tweet niyang ito dahil lumalabas at ayon sa kanyang alam, may relasyon pa rin sina James at Nadine at for their growth lang ang kanilang breakup (at take note, ang sinabi ni Alexander, fake news daw).
In the days to come, malalaman kung totoo itong nai-tweet ni Alexander na nagpasaya pa mandin sa mga nalulungkot at umiiyak na JaDine fans. Nauna nang nag-deny si Issa Pressman kaugnay pa rin ng breakup issue nina James at Nadine. Nagsalita na rin ang sister niyang si Yassi Pressman. Nag-deny na ito at nakiusap na mag-move on na rin ang mga fans ng dalawa.
****
Na kay Nadine Lustre ang pet dog nila ni James Reid na si Calcifer o Cal. Napanood namin ang IG Story ni Nadine at nakitang katabi niya sa bed si Cal, ang Corgi na binili ni James para sa kanya.
Worried ang mga JaDine fans kay Cal sa paghihiwalay ng kanyang ‘mommy at daddy’, baka raw mapabayaan ang dog.
Pero dinala pala siya ni Nadine nang umalis ang aktres sa bahay ni James at isinama sa tinitirhan nitong condo ngayon.
Puwede naman sigurong hiramin ni James si Cal kay Nadine at malamang na ipahiram din ng aktres ang aso na pagmamay-ari nilang dalawa.vjv





Comments