Northern Samar at Ilocos Norte, nilindol

Yumanig ang Magnitude 3.1 na lindol sa bahagi ng Northern Samar, kahapon ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 104 kilometers southeast ng Palapag alas-10:31 ng umaga. 52 kilometers ang lalim nito at tectonic ang dahilan.
Wala namang napaulat na pinsala sa Palapag at wala ring inaasahang aftershocks.
Nauna rito, tumama naman ang Magnitude 4.2 na lindol sa Carasi, Ilocos Norte, kahapon ng alas-5:08 ng madaling-araw.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers northeast ng Carasi.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.
Hindi naman ito nagdulot ng anumang intensities sa mga karatig-lalawigan. Wala ring naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments