Mismong doktor, patay sa coronavirus
PATULOY sa pagdami ang infected ng NcoV sa buong mundo. May namatay nang doktor sa China nang mahawa sa pasyente. Walang gamot kontra sa virus na ito!
****
SA Kalibo, Aklan nagtatakbo ang ilang Chinese mula sa Wuhan, China. Walang duda, mawawalan ng turista ang Boracay Island!
****
KUMAKALAT naman ang African Swine Flu (ASF) sa Bataan at Pangasinan. Kalaban ng mga Pinoy ang Africa at China na nag-export ng epidemya sa Pilipinas!
****
NAGBUBUGA pa rin ng sulfur dioxide ang Bulkang Taal. Ayaw pa niyang magpahinga!
****
PATULOY pa rin ang pagkalat ng illegal drugs. Huh, bakit?
****
BABALEWALAIN na ang Visiting Forces Agreement (VFA). Bakit ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), hindi binabanggit?
****
ANO kaya ang gagawin ni P-Digong at AFP sakaling magdeklara ng giyera ang U.S. laban sa Pilipinas? Wakosey!
****
GINIGIPIT ng U.S. ang Iran para magkaroon ng kudeta. ‘Yan din kaya ang gawing taktika ng Pentagon sa Maynila?
****
BINUBUHAY ang ChaCha. Naghahanap talaga sila ng “sakit ng katawan”!
****
NAMUMURO si Speaker Alan Peter Cayetano bilang presidentiable. He-he-he!
****
NAWAWALAN na ng pag-asa sa Malacañang si Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Nagmamatyag si Senate President Vicente “Tito” Sotto III. At tameme lang muna si Sen. Manny Pacquiao!





Comments