Mga heneral na kanselado ang U.S. visa, problemadong hindi madalaw ang mga kabit
NGAYON LANG NANGYARI NA IBINASURA NG PANGULO NG PILIPINAS ANG IMBITASYON NG AMERIKA — Mismong si P-Duterte ang nagkumpirma na hindi siya dadalo sa imbitasyon ni U.S. Pres. Donald Trump para sa gaganaping US-ASEAN Summit sa Las Vegas ngayong Marso.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ngayon lang nangyari na ang imbitasyon ng lider ng “powerful” na Amerika ay ibinasura ng pangulo ng Pilipinas, boom!
****
TABLADO NA TALAGA SI SEN. ‘BATO’ KASI INIUTOS NA AGAD NI P-DUTERTE NA I-TERMINATE ANG VFA — Kung nu’ng una ay isang buwan ang ibinigay na palugit ni P-Duterte sa gobyerno ng America para bawiin ang kanselasyon sa U.S. visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na kung hindi raw babawiin ay ite-terminate niya ang Visiting Forces Agreement (VFA), ngayon, ang gusto ng pangulo, i-terminate na agad-agad ang VFA.
Tila wala nang pag-asang mabago ang pasya ng U.S. gov’t. sa pagkansela ng U.S. visa ni Sen. Dela Rosa kaya kara-karaka ang utos ni P-Duterte na i-terminate na ang VFA, period!
****
MGA HENERAL NA KANSELADO ANG U.S. VISA, PROBLEMADO KUNG PAANO MADADALAW ANG KULASISI SA TATE — Ibinuking ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na hindi lang daw siya kundi may iba pa raw heneral sa PNP ang kinansela na rin ang US visa.
Naku, malaking problema ‘yan, lalo na sa mga heneral na ang kulasisi ay ibinahay sa Tate, joke-joke-joke!
****
PAALAM, SIR RAINIER — Inihatid na kahapon si Sir Rainier, ang big boss ng BULGAR sa kanyang huling hantungan sa mismong araw ng kanyang kaarawan, Enero 25.
Si Sir Rainier ay sobrang love ng mga kawani ng BULGAR dahil ang turing niya sa aming lahat na kanilang mga empleyado ay kapamilya. Dalangin namin ang mapayapang paglalakbay ni Sir Rainier tungo sa kaharian ng Panginoon.
Paalam at happy birthday in heaven, Sir Rainier.





Comments