top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 26, 2020 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Jan 26, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2020 (Linggo): Yayaman ka sa pamamagitan ng iyong mayamang imahinasyon. Kaya ang katangian mong ito ay gamitin mo sa negosyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya kaya ginagarantiyahan na ang kabuhayan mo ay papaangat nang papaangat pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-23-39-45-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka sa mga kuwento ng mga tao. Marami kang makukuhang pormula ng tagumpay na magagamit mo sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-26-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka muna o huminto sa kasalukuyan mong ginagawa. Sa iyong pag-iisa, makaiisip ka ng mas magandang paraan para maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-20-21-27-31.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ituloy ang iyong paglayo dahil sasaktan mo lang ang iyong sarili. Mas mabuting isagawa mo ang pananahimik kapag ikaw ay galit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-24-33-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ayaw mo sa mga nasa malapit sa iyo kaya ipinapayo na makipag-ugnayan ka sa malalayo, buksan mo ang komunikasyon sa iyo at sa kanila. Sa ganitong paraan, ikaw ay liligaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-36-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang magagandang susi ng tagumpay na nasa iyo. Huwag mong ipagdamot dahil sa totoo lang, hindi mo naman magagawa ang mga ito sa sarili mo kaya masasayang lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-18-20-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka ng bahay. Sa ganitong paraan, mailalantad mo ang natatagong galing at husay mo. Ang mga alahas ay walang anumang halaga kapag hindi ipinakikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-26-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maging masinop ka. Huwag kang magpatangay sa pagpapasaya sa kapwa na mababawasan nang malaki ang iyong kaban ng yaman. Mas maganda ang mapagmahal sa biyayang hawak mo na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-20-27-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-aksaya ng panahon, araw at oras. Tutukan mo ang iyong mga ambisyon nang sa gayun ay mapaaga o mapabilis ang pagkakaroon mo ng kasaganahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-27-35-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka. Huwag mong ipilit na magsaya sa wala ka namang saya. Ito rin ay nagsasabi na ang pagsasakripisyo ay hindi makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-19-23-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makararamdam ka ng pananamlay, aakalain mong pinagdaramutan ka ng iyong kapalaran, pero kapag nagawa mong mamasyal, magdaragsaan sa iyo ang mga magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-28-30-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang masuwerte ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga manggagawa na nang-intriga sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-39.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page